Ang Pasko ay Pasasalamat sa ating Biyayang natanggap
Ang pasko ay pasasalamat sa ating biyayang natanggap dahil sa dinadami ng ating biyaya dapat din nating pasalamatan ang poong maykapal. Ito ay dapat nating gawin upang maging makabuluhan ang ating buhay.Ang pasko ay parte ng ating buhay dahil taon-taon itong celebrasyon at sa ating pagkasiyahan ng buong pamilya. Sama-sama tayong magdiwang ngayong pasko at magpasalamat. Hindi dapat nating kalimutan ang pagsimba tuwing kapaskuhan. Dapat nating pagpurihan ang maykapal at ipagdiwang dahil sa kanyang pagbabalik magiging kumpleto ang ating buhay, dahil siya ang tagapagligtas ng ating buhay,magpasalamat tayong lahat, habang buhay tayong lahat may utang na loob sa panginoon dahil ilang beses niya tayong iniligtas sa kapahamakan ..Kahit iisa man lang magpasalamat tayo, magsimba tayo ng misa de gallo at sa kaarawan ng pasko.....
Ang Pasko ay Pasasalamat at pagpaparamdam sa ating mahal sa buhay ,kung gaano natin sila kamahal ,kaya dapat silang mahalin at alagaan..Ang araw ng pasko ay siyang araw ng pagsilang ni Jesus na ating tagapagligtas ..Ito ang araw na iginugunita natin siya.. Ito rin ang panahon kung siya dinalaw ng mga pantas at naghandog ng iba't- ibang uri ng regalo ..Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga tao sa kasalukuyang panahon ay nagpapalitan ng regalo..
Ang Pasko ay Pasasalamat sa ganitong paraan man lang ,kailangan nating magsakripisyo gaya ng pagsimba ng misa de gallo..Ang simbang gabi ay isang gawain ng taong nagpapakasakit ,may pagmamahal sa diyos at debosyon.. Kailangan dito ang lakas at gumising ng maaga sa malalamig na umaga ng Disyembre upang pumunta ng simbahan at bilang karagdagang sa pagmamahal sa diyos at pagtupad sa normal na gawain at obligasyong panlipunan. Sa simbang Gabi ,malalim na nakaugat ang pananampalataya ng mga katolikong pilipino.. Tuwing pasko makikita natin ang ngiti sa bawat mukha ng tao.. Maramdaman natin ang saya sa paligid...Sana araw-araw sa atin ay pasko para lagi tayong nag bibigayan at nagmamahalan, mas matibay sana ang ating pagmamahalan kung tayo'y nagpapasalamat sa poong maykapal.. Dapat lubos nating pasalamatan siya ,pagka't tayong lahat ay nabibiyayaan ng tunay na kasiyahan ngayong pasko... Labis akong nagpasalamat sa diyos ,sa lahat ng aking biyayang natanggap at pagbibigay ng pagkakataong makilala ka at maging parte ng aking buhay ..Ikaw ang inspirasyon KO,kaya sa ating lahat ngayong nagdiwang ng pasko dapat unahin natin ang pagpapasalamat sa diyos.Ang Pasko ay pasasalamat ,ang sayang pakinggan kung may taong nagsasabi ng salamat sa mga bagay na naitulong mo, oh nagawa mong mabuti sa kapwa natin tao.Ang Pasko ay pasasalamat sa lahat ng ating biyayang natanggap,kaya tayong lahat wag nating kalimutan ang pagpasalamat sa mga taong may mabuting kalooban....
MALIGAYang PASKO ,,,, Sa ating LAHAT....!!!!!!